Pampubliko o pribadong ospital?
Ganito lang yan, Mayaman ka ba o Mahirap?
Syempre importante sa atin ang ating mga anak o baby, kung ano yung maganda para sa kanila iyon ang gusto natin. Kaya kung may ipon ka, tingin mo mas okay nasa private.
Heto at alamin ano ang diperensya.
Presyo
Mas mahal ang private dahil sa magastos nitong pagpapatakbo, syempre sila may-ari, negosyo nila yun. Sila ang masusunod.
Sa public naman mura o pwedeng libre depende din kung meron kang philhealth o marami bang serbisyo ang kailangan ninyo (cesarian o mga kailangan ng ina at bata) o gaano kayo katagal sa ospital. Sa aming karanasan ng asawa ko sa pampubliko, umabot lang ng 7k o pitong libo lang ang aming bill para sa 4 na araw namin sa ospital. Dahil may philhealth siya, 2 dalawang libo lang ang aming binayaran dahil less 5k.
Serbisyo
Sa pribado, mababait naman kung minsan ang mga doktor at nars siguro marahil may kataasan ng bahagya ang sahod nila kumpara sa pampubliko.
Sa pampubliko, mahuhusay rin naman pero dahil sa dami ng pasyente ng pampubliko ay hindi minsan maiwasan ng iba sa kanila (hindi ko nilalahat) ang magsungit o minsan ay pumatol sa mga maaarteng pasyente. Sa public kami ng misis ko pero wala kaming naranasang sobrang pagsusungit mula sa kanila dahil maganda naman ang pakikitungo namin sa kanila.
Mapa-pribado o pampublikong ospital, meron laging mga bago o nangangapa pa sa serbisyo. Iyon ang nakakabahala kaya't mabuti ring alamin kung alin ang mas mainam sa mga kaibigan o kakilala. Hindi rin kasi natin alam kung may medical malpractice sa ospital malapit sa atin.
Kwarto
Sa private, kung may pera ka, wala ka naman magiging problema, alam mo na yan. Pero kung gusto mo namang makatipid, maraming ibat ibang kwarto na pwede pag pilian at meron ding shared room o ward na mas mura.
Sa public, uso diyan ang mga ward. Sa ward sa may amin, makikita mo ang bantay, nakasalampak sa semento dahil sa kakulangan. Meron ding private individual o shared rooms na minsan ay hindi bakante dahil kung may pera ka naman ay makakaginhawa ka dito. Ung mga ibang ospital ay mahihina ang aircon o electric fan ang gamit dito. Minsan kailangan mong magdala ng extrang kama, bangko at pangsapin sa unan at kama.
Kagamitan / Equipment / Technology
Sus manganganak lang, kailangan pa ba ng technology? hahaha joke lang.
Meron nang water birth delivery facilities dito sa pinas, igoogle nyo nalang. May kamahalan nga lang nasa 10k pataas.
Para kay misis, galingan dapat manganak. Goodluck!

Comments
Post a Comment