Skip to main content

Paano manligaw ng babae tips

Una, maraming salamat sa pagpunta sa blog ko. Walang anuman.

Kung ikaw ay babae, huwag kang manliligaw. Adik ka ba? Mag-intay ka diyan. Manahimik ka. :)
Kung ikaw ay tomboy, well ano pa magagawa ko.

Eto ang mga tips para mapalapit at manligaw ka sa babaeng pinapangarap mo.

Kung ang tanging pakay mo lang ay tirahin siya agad ay putang ina mo ka leche ka lumayas ka dito.
Kung may nobyo / boyfriend o asawa na ang balak mong ligawan, tarantado ka hayop ka wag ka dito.

Ang tunay na lalake, nagmamahal ng isa lang at tapat; ng buong loob, isip at puso.

Tignan mo muna ang sarili mo 
Ano kamusta naman ba? Mukha bang holdaper? Kahit na mukha kang hindi ka gagawa ng mabuti, mag ayos ka naman. Bigyan mo ang sarili mo ng kompyansa sa sarili at lakas ng loob. 

Nagsesepilyo ka ba? O para kang kumain ng tae sa baho ng hininga mo? Common sense yan bro. 3x a day! Ganun talaga kahit dumugo na gums mo. Magsuklay suklay ka kung may buhok at wag mo ng gayahin yung mga usong gagong gupit na akala mo bahay ni spongebob ulo mo. Maligo ka araw araw at mag pabango lang ng KAUNTI. 

Chill ka lang, wag kang baduy, wag ka maangas. Simple lang. Andaming nahuhulog sa simple lang na lalaki.

Paano maging close
Magkaklase ba kayo? Magkatrabaho? Magkapitbahay? Magkafriend sa facebook?
Kung nag-aaral palang kayo, parang awaw mo na itigil mo muna yang kalokohan mo na gusto mo may mangyari. Wala kang ipapalamon. Kailangan mo ng trabaho.

Huwag ka masyado jan, sa oras na maisip nya na para kang manyakis, game over ka na sa kanya. Kaibigan lang muna bago manligaw. Kung wala kang tiyaga, mababasted ka lang wag ka na. Pag nanliligaw, oras at panahon ang ginugugol. 

Add mo sya sa facebook, pero wag ka maging stalker. Kung manliligaw ka, isa lang. Hindi ka puta.

Pwede mo siya bigyan ng signs na gusto mo siya, tulad ng:
  • pag la-like ng posts nya sa facebook, wag naman lahat grabe
  • sabihin mo sa friends nya na kaclose mo din (baka ikalat nila, obserbahan mo reaksyon)
  • sabayan mo sya sa pagkain kahit kasama sya friend nya MINSAN (recess, lunch, meryenda)
  • sabayan mo sa paguwi (kahit hindi mo ihatid sa bahay ok lang)
  • libre mo MINSAN
  • kausapin o kwentuhan mo MINSAN
  • text mo, greet mo lang ng simple. (WAG MO NA TAWAGAN)
  • patawanin mo siya o pakita mo lang sa kanya na masarap kang kasama
 Pag nakakausap mo na sya ng madalas:
  • ayain mong kumain sa labas, yung kayo lang
  • pasyal lang kayo sa malapit, o kung may malapit na tambayan o park
  • hatid mo minsan sa bahay, kahit commute lang kayo (huwag ka ng pumasok ng gate o bahay pag di ka naman pinapapasok, umuwi ka na) 
  • at ang da best, ayain mo sya sa simbahan (para magsimba)
Tangina layuan mo sa fb si Marcelo Delos Santos, wala kang mapupulot dun na teknik.


Eto na 
Kung sa tingin mo, may pagasa o pagtingin din sya sa iyo, lumipas na ang sa tingin mo matagal na panahon (kahit hindi pa 3 mos), tanungin mo sya kung pwede mo sya ligawan. Tignan mo maigi reaksyon nya.

Kung sinabi nya ayaw nya o gumagawa sya ng dahilan na parang ayaw nya, tigilan mo na. Hanggang dun nalang iyon. Kaibigan na lang/Friendzoned ka. Wag kang magalit sa kanya. Karapatan nya iyon, irespeto mo. Kung mahal mo siya, hahayaan mo lang ang desisyon nya.

Pero kung ang sagot nya, sige o oo, ibig sabihin malamang na gusto ka na nya at gusto nya makita na patunayan mo ang sarili mo sa kanya.  Magpaka-totoo ka sa kanya, Dito ay susubukan nyang masikmura ang tunay na ikaw. 80% na magkatuluyan kayo kaya wag mo na sya tanungin.


Ligawan Proper
Sa bahay mo siya ligawan, magpakilala ka sa magulang nya, mga kapatid at mga kamag-anak nya sa bahay. At ang golden rule, simple ka lang. Chill ka lang wag kang mahangin. Magpakumbaba ka. Ganyan ang gagawin mo hanggang sa maging mag-asawa kayo :)


Ituloy mo lang ang maganda mong simulain at hangarin. At huwag ka ng magtanong sa kanya kung kayo na ba. Hayaan mo lang siya na sa kanya manggaling.


At kung naatat ka na o naiinip o natatagalan ka na sa sagot nya, ibig sabihin hindi mo siya mahal.


Ganun lang iyon! Good luck

Comments

  1. Paano po pag sya na ang nagsabi na ligawan mo siya ano po ibig sabihin non?

    ReplyDelete
  2. Paano po ba ligawan ung tipong napakamahiyain. Na babae.. , na di mo maintindihan kung nagbibigay ba ng motibo na manligaw .. kasi po may time na nagpapansin.. ,may time na nagagalit pag nag chachat ka para kamustahin sya.. ewan q ang gulo po kasi.. parang ang labo.. hingi lng po ako ng advice kung itutuloy q pa po ang pangliligaw..

    ReplyDelete
  3. panu qng ung babae gusto mu laging galit sau.. ung ng post ka ng pic ng ex mu tapos biglang nagalit na sau ung sasabihin sayo huwag muna siya kausapin dka pinapansin

    ReplyDelete
  4. Nice advice po, parang napaka effective.👌

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Unlimited internet to Globe, Smart and Sun Broadband 2017 hack part 1

Are you looking for a tutorial on how to hack and connect USB modem broadband for a fast unlimited internet? and also to uncap and bypass 800MB / 1GB Data Limit trick? Keep on reading. Internet in the Philippines is slow but it is slowly keeping up with the other Asian countries' internet speed. The population of websites is also becoming exponential because of the web based applications deployed everyday and the subject of modernizing business applications and commercializing local businesses. In order to connect to the internet, you will need the following requirements: Desktop Computer with Windows Operating System (Windows XP, Vista, 7, 8, 8.1 and 10) or Android Device (Android Version: Kitkat, Lollipop and Marshmallow) USB Modem (Globe Tattoo, Smart or Sun Broadband) Wifi Router (optional) At least 5.00 load credits loaded to your sim  Steps on how to connect to the internet  Open the computer and start the broadband application  Click the connect ...

How to recover flash drive from virus

This method works 80% all the time. Most of the computer virus from the windows operating system hide the data from your flash drive. (Windows 8 and up) 1. To show the hidden files, -Open your windows Explorer by pressing  the windows key + E  -Click the View tab, and uncheck hidden items. - Click Options, on its View Tab, uncheck "Hide protected operating system files" 2. Open your flash drive contents, NOT BY BROWSING TO THE COMPUTER FOLDER but, by performing windows key  + R and type the drive letter of the flash drive (Example: C://) 3. Perform windows key + R again and type CMD , click OK. 4. On the Command Prompt (CMD), type the drive letter (Example: "e:"), then click Enter. 5. Type "-r -a -s -h /s /d", then click Enter. This will unhide all files and folder. 6. Delete the .inf files and files with malicious appearance or gibberish text. Also delete .exe files that should'nt be there! 7. That's it. If virus stil ...